Nakakapagod magsulat at tinatamad na akong gamitin and salitang ingles. Wala akong balak maging isang manunulat at ni minsan hindi ko binalak na maging isa. Pero may isa akong pangarap na kahit anong daan man ang nilakad ko, saan man ako dalhin ng buhay, sino man ang makilala ko, at anu man ang mangyari sa 'kin, iisa at natatangi ang patutunguhan ng alin man sa mga desisyon ko. Ayun ay ang pangarap kong maging pinakamagaling na cartoonist sa buong mundo, na kung isalin ko sa ingles, na madalas mong makikita na nakasulat o nakadikit sa aking mga gamit: "The Greatest Cartoonist in The World". Masasabi mong ang taas-taas ng aking pinapangarap, kung iyong iisipin, maaaring imposible ring mangyari. Malakas man ang loob ko, tawagin mo man akong makapal ang mukha at walang hiyang magsabi na magaling ako, wala kang pakialam. Ano ba ang alam mo sa akin? Ang pangalan ko? Ang tirahan ko? Ang edad ko? Ano ngayon? Wala ka paring pakialam dahil hindi mo ako lubusang kilala. Siguro kailangan mo pa akong paembistigahan, pwede mo ring lapitan ang isang manghuhula, pero baka naman ikaw'y lolokohin din lang. Kaya mas makakabuti siguro ay hayaan mo nalang akong managinip nang nakapikit o nakadilat, kahit madalas eh gising na gising na nakatunganga sa ulap. Alam mo ba, ipinagmamalaki ko na puno ako ng pangarap, kahit ang laki at mukhang imposible, klaro naman at matayog. Eh ikaw, may pangarap ka ba sa buhay? Hindi mo ba alam na ang dami din diyan na walang kamalay-malay kung ano ba talaga ang papel nila sa mundo. Walang ka ideya-ideya sa kung ano man ang talagang gusto nilang mangyari sa kanilang buhay. Sa madaling salita, mga taong hindi alam ano ba ang pangarap nila. Nakakalungkot ang sitwasyong ito:
.
A: "Alam mo B, may pangarap ako!"
B: "Ano yon A?"
A: "Pangarap kong maging isang sikat na ballerina balang araw!"
B: "Wow...Talaga A? Ang ganda naman ng pangarap mo..Sigurado akon makakamit mo yan, magaling ka naman kasi eh.."
A: "Hehehe...hindi naman sa ganoon. Eh ikaw?"
B: "Ha? Ako?"
A: "Oo..Anong pangarap mo?"
B: "Pangarap ko? Uhhmm....Teka, iisipin ko pa.."
A: "Madami ka bang pangarap? At napapaisip ka pa?"
B: "Hindi. Ang totoo niyan, wala akong maisip na talagang pangarap ko. Ang ibig kong sabihin parang hindi ko alam kung ano talagang gusto ko. Oo, madami akong gusto pero hindi katulad ng sa iyo. Nakakainggit ka nga eh at mayroon ka talagang natatanging pangarap, yung talagang gustong gusto mo. Sana ako rin."
.
Kung lahat tayo ay may sariling pangarap, bakit merong iba na napapaisip pa pagtinanong kung ano ang pangarap nila? Hindi ba mahalaga ang ating mga ninanais? Kung nag-aalala ka na baka hindi matutupad o sa tingin mo'y hindi mo makakayang abutin ang mga ambisyon mo sa buhay, nagkakamali ka! Ang lahat ng nagtatagumpay ay hindi aksidente, hindi produkto ng kapalaran at ng sitwasyon. Sila ay produkto ng hinubog nilang imahe sa kanilang sarili. Ang tagumpay ay nagsisimula sa isang munting pangarap, sinundan ng positibong aksyon, ginawa ng matinding pagpupursige at pasensya, at pinatibay ng malakas na paniniwala at dedikasyon.
At tandaan mo, HINDI MABUBUO ANG ISANG LIBO KUNG WALA NI ISANG PISO.
.
Tao din sila, katulad mo, katulad ko. Anong pinagkaiba? Nasa unahan sila, ikaw'y nasa hulihan pa..
.
Kung tingin mo'y kaya mo, gawin mo...
At tandaan mo, HINDI MABUBUO ANG ISANG LIBO KUNG WALA NI ISANG PISO.
.
Tao din sila, katulad mo, katulad ko. Anong pinagkaiba? Nasa unahan sila, ikaw'y nasa hulihan pa..
.
Kung tingin mo'y kaya mo, gawin mo...
1 comment:
dream, believe, survive!
Post a Comment